-
Josue 21:20-26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
20 At ang iba pa sa mga pamilya ng mga Kohatita na mga Levita ay binigyan ng mga lunsod mula sa tribo ni Efraim sa pamamagitan ng palabunutan. 21 Ibinigay sa kanila ang Sikem,+ na kanlungang lunsod para sa mga nakapatay,+ at ang mga pastulan nito sa mabundok na rehiyon ng Efraim, ang Gezer+ at ang mga pastulan nito, 22 ang Kibzaim at ang mga pastulan nito, at ang Bet-horon+ at ang mga pastulan nito—apat na lunsod.
23 At mula sa tribo ni Dan: ang Elteke at ang mga pastulan nito, ang Gibeton at ang mga pastulan nito, 24 ang Aijalon+ at ang mga pastulan nito, at ang Gat-rimon at ang mga pastulan nito—apat na lunsod.
25 At mula sa kalahati ng tribo ni Manases: ang Taanac+ at ang mga pastulan nito at ang Gat-rimon at ang mga pastulan nito—dalawang lunsod.
26 Ang lahat ng lunsod kasama ang mga pastulan ng mga ito na natanggap ng iba pang pamilya ng mga Kohatita ay 10.
-