-
1 Cronica 9:35-38Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
35 Si Jeiel, na ama ng Gibeon, ay tumira sa Gibeon.+ Ang pangalan ng asawa niya ay Maaca. 36 Ang panganay niya ay si Abdon, at sinundan ito nina Zur, Kis, Baal, Ner, Nadab, 37 Gedor, Ahio, Zacarias, at Miklot. 38 Naging anak ni Miklot si Simeam. Tumira silang lahat malapit sa mga kapatid nila sa Jerusalem, kasama ng iba pa nilang mga kapatid.
-