Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Samuel 31:1-5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 Ang mga Filisteo ngayon ay nakikipagdigma sa Israel.+ At tumakas ang mga mandirigmang Israelita mula sa mga Filisteo, at marami ang namatay sa Bundok Gilboa.+ 2 Pinuntirya ng mga Filisteo si Saul at ang mga anak niya, at napatay ng mga Filisteo sina Jonatan,+ Abinadab, at Malki-sua, na mga anak ni Saul.+ 3 Napasabak si Saul sa matinding labanan, at nakita siya ng mga mamamanà, at malubha siyang nasugatan ng mga ito.+ 4 Kaya sinabi ni Saul sa tagapagdala niya ng sandata: “Hugutin mo ang espada mo at saksakin mo ako, para hindi ang mga di-tuling lalaking iyon+ ang sumaksak sa akin at nang hindi nila ako mapahirapan.” Pero ayaw itong gawin ng tagapagdala niya ng sandata, dahil takot na takot ito. Kaya kinuha ni Saul ang espada at sinaksak ang sarili.+ 5 Nang makita ng tagapagdala ng sandata na patay na si Saul,+ sinaksak din nito ang sarili gamit ang sariling espada at namatay na kasama niya.

  • 2 Samuel 1:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Kayong mga bundok ng Gilboa,+

      Huwag na sanang humamog o umulan sa inyo,

      At huwag sanang mamunga ang inyong mga bukid ng mga bagay na maiaalay sa Diyos,+

      Dahil narumhan doon ang kalasag ng mga makapangyarihan,

      Ang kalasag ni Saul ay wala nang pahid ng langis.

  • 2 Samuel 1:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 Ang mga makapangyarihan ay bumagsak sa digmaan!

      Si Jonatan ay napatay sa iyong matataas na lugar!+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share