-
2 Samuel 6:9-11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Kaya natakot si David kay Jehova+ nang araw na iyon at nagsabi: “Paano makakarating sa akin ang Kaban ni Jehova?”+ 10 Ayaw nang dalhin ni David ang Kaban ni Jehova sa lugar niya sa Lunsod ni David.+ Kaya ipinadala iyon ni David sa bahay ni Obed-edom+ na Giteo.
11 Ang Kaban ni Jehova ay nanatili sa bahay ni Obed-edom na Giteo nang tatlong buwan, at patuloy na pinagpala ni Jehova si Obed-edom at ang buong sambahayan nito.+
-