-
2 Samuel 5:19-21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
19 Itinanong ni David kay Jehova:+ “Lalaban ba ako sa mga Filisteo? Ibibigay mo ba sila sa kamay ko?” Sinabi ni Jehova kay David: “Lumaban ka, dahil ibibigay ko ang mga Filisteo sa kamay mo.”+ 20 Kaya pumunta si David sa Baal-perazim, at pinabagsak sila roon ni David. At sinabi niya: “Pinabagsak ni Jehova ang mga kaaway ko,+ gaya ng pader na nawasak dahil sa tubig.” Kaya tinawag niya ang lugar na iyon na Baal-perazim.*+ 21 Iniwan doon ng mga Filisteo ang mga idolo nila, at inalis ni David at ng mga tauhan niya ang mga iyon.
-