-
2 Samuel 6:4, 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Kaya dinala nila ang Kaban ng tunay na Diyos mula sa bahay ni Abinadab sa burol, at si Ahio ay naglalakad sa unahan ng Kaban. 5 Si David at ang buong sambahayan ng Israel ay nagdiriwang sa harap ni Jehova gamit ang iba’t ibang instrumentong yari sa kahoy na enebro, mga alpa, iba pang instrumentong de-kuwerdas,+ mga tamburin,+ sistro, at simbalo.*+
-