Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 68:34
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 34 Kilalanin ninyo ang lakas ng Diyos.+

      Ang karilagan niya ay nasa Israel,

      At ang lakas niya ay nasa kalangitan.*

  • Awit 96:7-13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  7 Ibigay ninyo kay Jehova ang nararapat sa kaniya, kayong mga pamilya ng mga bayan,

      Ibigay ninyo kay Jehova ang nararapat sa kaniya dahil sa kaniyang lakas at kaluwalhatian.+

       8 Ibigay ninyo kay Jehova ang kaluwalhatiang nararapat sa pangalan niya;+

      Magdala kayo ng kaloob at pumasok sa mga looban niya.

       9 Yumukod* kayo kay Jehova nang may banal na kasuotan;*

      Manginig kayo sa harap niya, buong lupa!

      10 Ihayag ninyo sa mga bansa: “Si Jehova ay naging Hari!+

      Matibay ang pagkakagawa sa lupa,* hindi ito magagalaw.*

      Hahatol siya nang patas sa mga bayan.”*+

      11 Magsaya ang langit, at magalak ang lupa;

      Umugong ang dagat at ang lahat ng naroon;+

      12 Magsaya ang mga parang at ang lahat ng naroon.+

      Kasabay nito, ang mga puno sa kagubatan ay humiyaw sa kagalakan+

      13 Sa harap ni Jehova, dahil dumarating* siya,

      Dumarating siya para hatulan ang lupa.

      Hahatulan niya ang lupa* ayon sa katuwiran+

      At ang mga bayan ayon sa kaniyang katapatan.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share