-
1 Cronica 29:3-5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 At dahil sa pagmamahal ko sa bahay ng aking Diyos,+ ibibigay ko rin ang sarili kong kayamanan,+ ginto at pilak, bilang dagdag sa lahat ng inihanda ko para sa banal na bahay, 4 kasama na ang 3,000 talento* ng ginto mula sa Opir+ at 7,000 talento ng dinalisay na pilak, para ipantakip sa dingding ng mga silid, 5 ang ginto para sa mga bagay na ginto at ang pilak para sa mga bagay na pilak, at para sa lahat ng gagawin ng mga bihasang manggagawa. Ngayon, sino ang gustong magbigay ng kaloob kay Jehova?”+
-