-
1 Cronica 15:16, 17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Pagkatapos, sinabi ni David sa mga pinuno ng mga Levita na atasan ang mga kapatid nilang mang-aawit na umawit nang masaya, kasabay ng mga instrumentong pangmusika: mga instrumentong de-kuwerdas, alpa,+ at simbalo.*+
17 Kaya inatasan ng mga Levita si Heman+ na anak ni Joel at, mula sa mga kapatid niya, si Asap+ na anak ni Berekias at, mula sa mga Merarita na mga kapatid nila, si Etan+ na anak ni Kusaias.
-