-
2 Samuel 7:4-7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Nang gabing iyon, dumating kay Natan ang mensaheng ito ni Jehova: 5 “Sabihin mo sa lingkod kong si David, ‘Ito ang sinabi ni Jehova: “Ipagtatayo mo ba ako ng bahay na titirhan ko?+ 6 Mula noong ilabas ko sa Ehipto ang bayan kong Israel, hindi pa ako nanirahan sa isang bahay,+ kundi nasa tolda ako at nasa tabernakulo na nagpapalipat-lipat.*+ 7 Sa buong panahong kasama ako ng mga Israelita, sinabi ko ba sa sinumang pinuno ng mga tribo ng Israel na inatasan kong magpastol sa bayan kong Israel, ‘Bakit hindi ninyo ako ipinagtayo ng bahay na gawa sa sedro?’”’
-
-
1 Hari 8:17-19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
17 Gusto ng ama kong si David na magtayo ng isang bahay para sa pangalan ni Jehova na Diyos ng Israel.+ 18 Pero sinabi ni Jehova sa ama kong si David, ‘Gusto mo akong ipagtayo ng bahay para sa pangalan ko, at maganda ang hangarin mo. 19 Pero hindi ikaw ang magtatayo ng bahay. Ang magiging anak mo* ang magtatayo ng bahay para sa pangalan ko.’+
-
-
1 Cronica 22:7, 8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 Sinabi ni David sa anak niyang si Solomon: “Gustong-gusto kong magtayo ng isang bahay para sa pangalan ni Jehova na aking Diyos.+ 8 Pero sinabi sa akin ni Jehova: ‘Nagpadanak ka ng maraming dugo, at nakipaglaban ka sa malalaking digmaan. Hindi ka magtatayo ng bahay para sa pangalan ko,+ dahil nagpadanak ka ng maraming dugo sa lupa sa harap ko.
-