Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Samuel 7:12-17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Kapag nagwakas na ang buhay mo+ gaya ng iyong mga ninuno, gagawin kong hari na kahalili mo ang iyong supling,* ang sarili mong anak,* at gagawin kong matibay ang pagkakatatag ng kaharian niya.+ 13 Siya ang magtatayo ng bahay para sa pangalan ko,+ at gagawin kong matibay ang trono ng kaniyang kaharian magpakailanman.+ 14 Magiging ama niya ako, at magiging anak ko siya.+ Kapag gumawa siya ng mali, didisiplinahin ko siya sa pamamagitan ng pamalo ng mga tao at ng mga hampas ng mga anak ng tao.*+ 15 Hindi mawawala ang aking tapat na pag-ibig sa kaniya kung paanong nawala ito kay Saul,+ na inalis ko sa harap mo. 16 Ang iyong sambahayan at ang iyong kaharian ay magiging matatag sa harap mo magpakailanman; ang iyong trono ay magiging matibay magpakailanman.”’”+

      17 Sinabi ni Natan kay David ang lahat ng salitang ito at ang buong pangitaing ito.+

  • 1 Hari 9:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 itatatag ko ang trono ng iyong kaharian sa Israel at mananatili ito magpakailanman, gaya ng ipinangako ko sa iyong amang si David nang sabihin ko, ‘Sa angkan mo manggagaling ang lahat ng uupo sa trono ng Israel.’+

  • 1 Cronica 28:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 At sa lahat ng anak ko—dahil binigyan ako ni Jehova ng maraming anak+—pinili niya ang anak kong si Solomon+ para umupo sa trono ng paghahari ni Jehova sa Israel.+

  • Jeremias 23:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 “Darating ang panahon,” ang sabi ni Jehova, “na magpapasibol ako mula kay David ng isang matuwid na sibol.*+ At isang hari ang mamamahala+ nang may unawa at magtataguyod ng katarungan at katuwiran sa lupain.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share