Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Samuel 7:25-29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 “Ngayon, O Diyos na Jehova, tuparin mo magpakailanman ang pangako mo may kinalaman sa iyong lingkod at sa sambahayan niya, at gawin mo nawa ang ipinangako mo.+ 26 Maging dakila nawa ang pangalan mo magpakailanman,+ para sabihin ng mga tao, ‘Si Jehova ng mga hukbo ay Diyos ng Israel,’ at maging matibay nawa ang pagkakatatag ng sambahayan ng lingkod mong si David sa harap mo.+ 27 O Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, sinabi mo sa iyong lingkod, ‘Magtatatag ako ng isang sambahayan* para sa iyo.’+ Kaya ang lingkod mo ay nagkaroon ng lakas ng loob na* bigkasin ang panalanging ito sa iyo. 28 At ngayon, O Kataas-taasang Panginoong Jehova, ikaw ang tunay na Diyos, at ang salita mo ay katotohanan,+ at ipinangako mo ang mabubuting bagay na ito sa iyong lingkod. 29 Pagpalain mo nawa ang sambahayan ng iyong lingkod, at manatili nawa ito magpakailanman sa harap mo;+ dahil ikaw, O Kataas-taasang Panginoong Jehova, ay nangako, at pagpalain mo nawa ang sambahayan ng iyong lingkod magpakailanman.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share