-
2 Samuel 10:9-12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Nang makita ni Joab na sumasalakay ang mga kalaban sa harapan at likuran niya, pumili siya ng pinakamahuhusay na sundalo sa Israel, at ang mga ito ang iniharap niya para makipaglaban sa mga Siryano.+ 10 Ang iba pang sundalo ay inilagay niya sa pangunguna* ng kapatid niyang si Abisai,+ at humanay sila para makipagdigma sa mga Ammonita.+ 11 Pagkatapos, sinabi niya: “Kapag natatalo ako ng mga Siryano, tulungan mo ako; pero kapag natatalo ka ng mga Ammonita, tutulungan kita. 12 Magpakatatag tayo at lakasan natin ang ating loob+ para sa ating bayan at para sa mga lunsod ng ating Diyos, at gagawin ni Jehova ang mabuti sa paningin niya.”+
-