-
2 Samuel 10:17-19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
17 Nang ibalita ito kay David, agad niyang tinipon ang buong Israel at tumawid sila ng Jordan at nakarating sa Helam. Humanay ang hukbo ng mga Siryano at nakipaglaban kay David.+ 18 Pero tumakas ang mga Siryano mula sa Israel; at 700 tagapagpatakbo ng karwahe at 40,000 mangangabayo ng mga Siryano ang napatay ni David, at pinabagsak niya si Sobac, ang pinuno ng kanilang hukbo, at namatay ito roon.+ 19 Nang makita ng lahat ng hari, na mga lingkod ni Hadadezer, na natalo sila ng Israel, agad silang nakipagpayapaan sa Israel at naging mga sakop nito;+ at takot na ang mga Siryano na tulungan pa ang mga Ammonita.
-