-
1 Cronica 11:23, 24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
23 Pinabagsak din niya ang isang lalaking Ehipsiyo na pambihira ang laki—limang siko* ang taas.+ May hawak na sibat ang Ehipsiyo na kasinlaki ng baras ng habihan,+ pero sinugod niya ito hawak ang isang pamalo at inagaw ang sibat sa kamay ng Ehipsiyo at pinatay ito gamit ang sarili nitong sibat.+ 24 Ito ang mga ginawa ni Benaias na anak ni Jehoiada, at may reputasyon siya na gaya ng sa tatlong malalakas na mandirigma.
-