-
1 Cronica 29:6, 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 Kaya ang matataas na opisyal ng mga angkan, ang matataas na opisyal ng mga tribo ng Israel, ang mga pinuno ng libo-libo at ng daan-daan,+ at ang mga pinuno sa gawain ng hari+ ay kusang-loob na lumapit. 7 At nagbigay sila para sa bahay ng tunay na Diyos: 5,000 talento ng ginto, 10,000 darik,* 10,000 talento ng pilak, 18,000 talento ng tanso, at 100,000 talento ng bakal.
-