-
1 Cronica 16:41, 42Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
41 Kasama nila sina Heman at Jedutun+ at ang iba pang piling lalaki na tinukoy ayon sa pangalan para magpasalamat kay Jehova,+ dahil “ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan”;+ 42 at kasama nila sina Heman+ at Jedutun para humihip ng mga trumpeta at magpatunog ng mga simbalo at ng mga instrumentong ginagamit sa pagpuri sa* tunay na Diyos; at ang mga anak ni Jedutun+ ay nasa pintuang-daan.
-
-
2 Cronica 5:11, 12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Nang lumabas ang mga saserdote mula sa banal na lugar (dahil ang lahat ng saserdoteng naroon ay nagpabanal ng sarili,+ anuman ang pangkat nila),+ 12 ang lahat ng mang-aawit na Levita+ na pinangungunahan ni Asap,+ ni Heman,+ ni Jedutun,+ at ng kanilang mga anak at kapatid ay nadaramtan ng magandang klase ng tela at may hawak na mga simbalo,* instrumentong de-kuwerdas, at alpa; nakatayo sila sa silangan ng altar, at may kasama silang 120 saserdote na humihihip ng mga trumpeta.+
-
-
2 Cronica 35:15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 At ang mga mang-aawit, na mga anak ni Asap,+ ay nasa mga puwesto nila ayon sa utos ni David,+ ni Asap,+ ni Heman, at ng lingkod ng hari na si Jedutun+ na nakakakita ng pangitain; at ang mga bantay ay nasa iba’t ibang pintuang-daan.+ Hindi na nila kinailangang iwan ang atas nila, dahil ang mga kapatid nilang Levita ang naghanda para sa kanila.
-