-
1 Cronica 26:10, 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 At si Hosa na isa sa mga anak ni Merari ay nagkaroon ng mga anak. Si Simri ang pinuno, dahil kahit hindi siya ang panganay, siya ang inatasan ng kaniyang ama na maging pinuno, 11 si Hilkias ang pangalawa, si Tebalias ang pangatlo, si Zacarias ang pang-apat. Ang lahat ng anak at kapatid ni Hosa ay 13.
-