-
Exodo 18:25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
25 Pumili si Moises ng mga lalaking may kakayahan mula sa buong Israel, at inatasan niya sila na maging mga pinuno ng bayan, bilang mga pinuno ng libo-libo, ng daan-daan, ng lima-limampu, at ng sampu-sampu.
-
-
1 Samuel 8:11, 12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Sinabi niya: “Ito ang karapatang gawin ng haring mamamahala sa inyo:+ Kukunin niya ang inyong mga anak na lalaki+ at ilalagay sila sa kaniyang mga karwahe*+ at gagawing mga mangangabayo,+ at ang ilan ay patatakbuhin niya sa unahan ng kaniyang mga karwahe. 12 At mag-aatas siya para sa kaniyang sarili ng mga pinuno ng libo-libo+ at mga pinuno ng lima-limampu,+ at ang ilan ay mag-aararo para sa kaniya,+ gagapas para sa kaniya,+ at gagawa ng kaniyang mga sandata at mga gamit sa karwahe.+
-