Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Samuel 23:20-23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Si Benaias+ na anak ni Jehoiada ay isang matapang na lalaki* na maraming ulit na nagpakita ng kagitingan sa Kabzeel.+ Pinabagsak niya ang dalawang anak ni Ariel ng Moab, at nang isang araw na umuulan ng niyebe, bumaba siya sa isang balon at pumatay ng leon.+ 21 Pinabagsak din niya ang isang lalaking Ehipsiyo na pambihira ang laki. May hawak na sibat ang Ehipsiyo, pero sinugod niya ito hawak ang isang pamalo at inagaw ang sibat sa kamay ng Ehipsiyo at pinatay ito gamit ang sarili nitong sibat. 22 Ito ang mga ginawa ni Benaias na anak ni Jehoiada, at may reputasyon siya na gaya ng sa tatlong malalakas na mandirigma. 23 Kahit mas kilala siya kaysa sa tatlumpu, hindi niya napantayan ang tatlo. Pero inatasan siya ni David na mamuno sa sarili nitong mga guwardiya.

  • 1 Hari 2:35
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 35 Pagkatapos, inatasan ng hari si Benaias+ na anak ni Jehoiada bilang pinuno ng hukbo kapalit nito, at ang saserdoteng si Zadok+ naman ang ipinalit ng hari kay Abiatar.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share