-
1 Cronica 22:2-4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Nag-utos si David na tipunin ang mga dayuhang naninirahan+ sa Israel, at inatasan niya sila na maging mga tagatabas ng bato para maghanda ng mga batong gagamitin sa pagtatayo ng bahay ng tunay na Diyos.+ 3 Naghanda rin si David ng napakaraming bakal para gawing mga pako sa mga pinto ng mga pintuang-daan at para gawing mga pang-ipit, at ng tanso na hindi na matimbang sa dami,+ 4 pati ng mga kahoy na sedro+ na hindi mabilang, dahil ang mga Sidonio+ at ang mga taga-Tiro+ ay nagdala ng napakaraming kahoy na sedro para kay David.
-