-
Jeremias 26:18, 19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
18 “Si Mikas+ ng Moreset ay nanghuhula noong panahon ni Haring Hezekias+ ng Juda, at sinabi niya sa buong bayan ng Juda, ‘Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo:
“Ang Sion ay aararuhing gaya ng isang bukid,
Ang Jerusalem ay magiging mga bunton ng guho,+
At ang bundok ng Bahay* ay magiging gaya ng matataas na lugar sa kagubatan.”’*+
19 “Ipinapatay ba siya ni Haring Hezekias ng Juda at ng buong Juda? Hindi ba natakot ang hari kay Jehova at nakiusap para sa awa ni Jehova,* kaya hindi itinuloy* ni Jehova ang kapahamakang sinabi niyang pasasapitin niya sa kanila?+ Sa gagawin natin, ilalagay natin ang ating sarili sa malaking kapahamakan.
-