-
2 Hari 21:2-6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Ginawa niya ang masama sa paningin ni Jehova at tinularan ang kasuklam-suklam na mga gawain ng mga bansang+ pinalayas ni Jehova mula sa harap ng Israel.+ 3 Muli niyang itinayo ang matataas na lugar na winasak ng ama niyang si Hezekias,+ at nagtayo siya ng mga altar para kay Baal at gumawa ng sagradong poste,*+ gaya ng ginawa ni Ahab na hari ng Israel.+ At yumukod siya sa buong hukbo ng langit at naglingkod sa mga ito.+ 4 Nagtayo rin siya ng mga altar sa bahay ni Jehova,+ ang bahay na tinutukoy ni Jehova nang sabihin niya: “Sa Jerusalem ko ilalagay ang pangalan ko.”+ 5 At nagtayo siya ng mga altar para sa buong hukbo ng langit+ sa dalawang looban* ng bahay ni Jehova.+ 6 At sinunog niya ang sarili niyang anak bilang handog; nagsagawa siya ng mahika, naghanap ng mga tanda,+ at nag-atas ng mga espiritista at manghuhula.+ Napakarami niyang ginawang masama sa paningin ni Jehova para galitin siya.
-