Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Hari 22:14-20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Kaya ang saserdoteng si Hilkias, si Ahikam, si Acbor, si Sapan, at si Asaias ay pumunta sa propetisang si Hulda.+ Siya ay asawa ng tagapag-ingat ng bihisan na si Salum na anak ni Tikva na anak ni Harhas. Nakatira si Hulda sa Ikalawang Distrito ng Jerusalem; at nakipag-usap sila sa kaniya roon.+ 15 Sinabi niya sa kanila: “Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel, ‘Sabihin ninyo sa lalaking nagsugo sa inyo: 16 “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Magdadala ako ng kapahamakan sa lugar na ito at sa mga nakatira dito, ayon sa lahat ng sinasabi sa aklat na binasa ng hari ng Juda.+ 17 Dahil iniwan nila ako at nagsusunog sila ng mga handog sa ibang mga diyos+ para galitin ako sa pamamagitan ng lahat ng gawa ng kanilang kamay,+ magliliyab ang galit ko sa lugar na ito at hindi ito mapapawi.’”+ 18 Pero ito ang sasabihin ninyo sa hari ng Juda na nagsugo sa inyo para sumangguni kay Jehova, “Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel tungkol sa mga salitang narinig mo: 19 ‘Dahil maamo ka* at nagpakumbaba ka+ sa harap ni Jehova nang marinig mo ang sinabi ko laban sa lugar na ito at sa mga nakatira dito—na susumpain sila at mangingilabot ang mga tao sa mangyayari sa kanila—at pinunit mo ang damit mo+ at umiyak ka sa harap ko, pinakinggan din kita, ang sabi ni Jehova. 20 Kaya hindi mo makikita ang lahat ng kapahamakang pasasapitin ko sa lugar na ito. Mamamatay ka* at ihihigang payapa sa libingan mo.’”’” Pagkatapos, iniulat nila sa hari ang sinabi ng propetisa.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share