-
Exodo 12:3-11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 Sabihin ninyo sa buong bayan ng Israel, ‘Sa ika-10 araw ng buwang ito, ang bawat isa sa kanila ay dapat kumuha ng isang tupa+ para sa sambahayan ng ama niya, isang tupa para sa isang sambahayan. 4 Pero kung maliit ang sambahayan para kainin ang isang buong tupa, sila* at ang pinakamalapit nilang* kapitbahay ay maghahati sa tupa sa loob ng bahay nila. Hahatiin ito depende sa bilang ng tao at sa kayang kainin ng bawat isa. 5 Ang tupa ninyo ay dapat na malusog+ at isang-taóng-gulang na lalaki. Puwede kayong pumili ng isang batang tupa o kambing. 6 Aalagaan ninyo iyon hanggang sa ika-14 na araw ng buwang ito,+ at pagdating ng takipsilim* ay papatayin iyon ng bawat sambahayan sa kongregasyon ng Israel.+ 7 Kukuha sila ng dugo, at lalagyan nila ng dugo ang dalawang poste ng pinto at ang itaas na bahagi ng pasukan* ng mga bahay kung saan nila ito kakainin.+
8 “‘Kakainin nila ang karne sa gabing iyon.+ Iihawin nila iyon at kakainin kasama ng tinapay na walang pampaalsa+ at ng mapapait na gulay.+ 9 Huwag ninyong kainin ang anumang bahagi nito na hilaw o pinakuluan sa tubig, kundi inihaw, ang ulo kasama ang mga binti at laman-loob nito. 10 Huwag kayong mag-iiwan ng tira hanggang kinaumagahan; pero kapag may natira sa umaga, sunugin ninyo iyon.+ 11 Sa ganitong paraan ninyo iyon kakainin: suot ang inyong sinturon at sandalyas* at hawak ang inyong baston; at dali-dali ninyong kainin iyon. Ito ang Paskuwa ni Jehova.
-