Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 12:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Pitong araw kayong kakain ng tinapay na walang pampaalsa.+ Oo, sa unang araw, dapat ninyong alisin ang pinaasim na masa sa mga bahay ninyo, dahil ang sinumang* kumain ng may pampaalsa mula sa unang araw hanggang sa ikapito ay aalisin* sa Israel.

  • Levitico 23:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 “‘Ang ika-15 araw ng buwang ito ay Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa para kay Jehova.+ Pitong araw kayong kakain ng tinapay na walang pampaalsa.+

  • Deuteronomio 16:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Huwag ninyo itong kakainin na kasama ng anumang may pampaalsa;+ sa loob ng pitong araw, dapat kayong kumain ng tinapay na walang pampaalsa, ang tinapay ng paghihirap, dahil nagmadali kayong lumabas sa Ehipto.+ Gawin ninyo ito para maalaala ninyo habambuhay ang araw na lumabas kayo sa Ehipto.+

  • 2 Cronica 30:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 30 Nagpadala si Hezekias ng mensahe sa buong Israel+ at Juda, at sumulat pa nga siya ng mga liham para sa Efraim at Manases,+ para papuntahin sila sa bahay ni Jehova sa Jerusalem at ipagdiwang ang Paskuwa para kay Jehova na Diyos ng Israel.+

  • 2 Cronica 30:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Kaya napakasayang ipinagdiwang+ ng mga Israelitang nasa Jerusalem ang Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa+ nang pitong araw, at ang mga Levita at mga saserdote ay pumupuri kay Jehova araw-araw, habang pinatutugtog nang malakas ang mga instrumento nila para kay Jehova.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share