12 “Si Artajerjes,+ na hari ng mga hari, kay Ezra na saserdote, na tagakopya ng Kautusan ng Diyos ng langit: Sumaiyo ang kapayapaan. 13 Ipinag-uutos ko na ang bawat Israelita sa nasasakupan ko at ang kanilang mga saserdote at mga Levita na gustong sumama sa iyo sa Jerusalem ay dapat sumama.+