-
Exodo 25:14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 Ipapasok mo ang mga pingga sa mga argolya na nasa mga gilid ng Kaban para mabuhat ang Kaban.
-
-
Bilang 4:15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 “Kapag aalis ang kampo, dapat matapos ni Aaron at ng mga anak niya ang paglalagay ng pantakip sa banal na lugar+ at sa lahat ng kagamitan nito. At papasok ang mga anak ni Kohat para buhatin ang mga iyon,+ pero hindi nila puwedeng hipuin ang banal na lugar dahil mamamatay sila.+ Ito ang mga pananagutan* ng mga anak ni Kohat may kaugnayan sa tolda ng pagpupulong.
-
-
1 Hari 8:3-5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 Kaya dumating ang lahat ng matatandang lalaki ng Israel, at binuhat ng mga saserdote ang Kaban.+ 4 Dinala nila ang Kaban ni Jehova, ang tolda ng pagpupulong,+ at ang lahat ng banal na kagamitang nasa tolda. Ang mga saserdote at mga Levita ang nagdala sa mga iyon. 5 Si Haring Solomon, pati ang buong kapulungan ng Israel na ipinatawag niya, ay nasa harap ng Kaban. Hindi mabilang sa dami ang inihahandog na mga tupa at baka.+
-