Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Hari 8:14-21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Pagkatapos, humarap ang hari sa buong kongregasyon ng Israel at pinagpala niya sila samantalang sila ay nakatayo.+ 15 Sinabi niya: “Purihin nawa si Jehova na Diyos ng Israel, ang nangako sa ama kong si David at tumupad sa pangako niya sa pamamagitan ng sarili niyang kamay. Sinabi niya, 16 ‘Mula nang araw na ilabas ko mula sa Ehipto ang bayan kong Israel, hindi ako pumili ng lunsod mula sa lahat ng tribo ng Israel na pagtatayuan ng isang bahay kung saan mananatili ang pangalan ko,+ pero pinili ko si David para mamahala sa bayan kong Israel.’ 17 Gusto ng ama kong si David na magtayo ng isang bahay para sa pangalan ni Jehova na Diyos ng Israel.+ 18 Pero sinabi ni Jehova sa ama kong si David, ‘Gusto mo akong ipagtayo ng bahay para sa pangalan ko, at maganda ang hangarin mo. 19 Pero hindi ikaw ang magtatayo ng bahay. Ang magiging anak mo* ang magtatayo ng bahay para sa pangalan ko.’+ 20 Tinupad ni Jehova ang ipinangako niya, dahil ako ang pumalit sa ama kong si David at umupo sa trono ng Israel, gaya ng pangako ni Jehova. Naitayo ko rin ang bahay para sa pangalan ni Jehova na Diyos ng Israel,+ 21 at nakapaghanda ako ng lugar para sa Kaban na naglalaman ng tipan+ ni Jehova sa mga ninuno natin nang ilabas niya sila mula sa lupain ng Ehipto.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share