-
1 Hari 8:23-26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
23 at sinabi: “O Jehova na Diyos ng Israel, walang Diyos na tulad mo+ sa langit o sa lupa, na tumutupad ng tipan at nagpapakita ng tapat na pag-ibig+ sa mga lingkod mo na lumalakad sa harap mo* nang buong puso nila.+ 24 Tinupad mo ang pangako mo sa lingkod mong si David na aking ama. Ikaw mismo ang nangako at sa araw na ito ay tinupad mo iyon sa pamamagitan ng sarili mong kamay.+ 25 At ngayon, O Jehova na Diyos ng Israel, tuparin mo ang ipinangako mo sa lingkod mong si David na aking ama nang sabihin mo: ‘Sa angkan mo manggagaling ang lahat ng uupo sa harap ko sa trono ng Israel kung magiging palaisip ang mga anak mo sa pamumuhay nila sa pamamagitan ng paglakad sa daan ko, gaya ng ginawa mo.’+ 26 At ngayon, O Diyos ng Israel, matupad nawa ang ipinangako mo sa lingkod mong si David na aking ama, pakisuyo.
-