Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 12:48
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 48 Kung may dayuhan na naninirahang kasama ninyo at gusto niyang magdiwang ng Paskuwa para kay Jehova, dapat tuliin ang lahat ng lalaki sa sambahayan niya. Saka lang siya makapagdiriwang nito, at siya ay magiging katulad ng katutubo sa lupain. Pero hindi ito puwedeng kainin ng lalaking di-tuli.+

  • Ruth 1:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Pero sinabi ni Ruth: “Huwag ninyong hilingin sa akin na iwan kayo at hayaan kayong mag-isa; dahil kung saan kayo pupunta, doon ako pupunta; at kung saan kayo magpapalipas ng gabi, doon ako magpapalipas ng gabi. Ang inyong bayan ay magiging aking bayan, at ang inyong Diyos ay aking Diyos.+

  • 2 Hari 5:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Kaya bumalik siya sa lingkod ng tunay na Diyos,+ siya at ang lahat ng kasama* niya, at tumayo siya sa harap nito at nagsabi: “Alam ko na ngayon na walang Diyos saanman sa lupa maliban sa Israel.+ Pakisuyong tanggapin mo ang isang regalo* mula sa iyong lingkod.”

  • Isaias 56:6, 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  6 Kung tungkol sa mga dayuhan na pumanig kay Jehova para sumamba sa kaniya,

      Para ibigin ang pangalan ni Jehova+

      At maging mga lingkod niya,

      Lahat ng nangingilin ng Sabbath at hindi lumalapastangan dito

      At nanghahawakan sa aking tipan,

       7 Dadalhin ko rin sila sa aking banal na bundok,+

      At magsasaya sila sa loob ng aking bahay-panalanginan.

      Ang kanilang mga buong handog na sinusunog at ang kanilang mga hain ay tatanggapin sa altar ko.

      Dahil ang bahay ko ay tatawaging bahay-panalanginan para sa lahat ng bayan.”+

  • Gawa 8:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 Kaya pumunta roon si Felipe, at nakita niya ang isang Etiope, isang mataas na opisyal* at naglilingkod kay Candace na reyna ng mga Etiope, at siya ang namamahala sa lahat ng kayamanan nito. Pumunta siya sa Jerusalem para sumamba,+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share