-
1 Hari 9:20-23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
20 Kung tungkol sa lahat ng natira sa mga Amorita, Hiteo, Perizita, Hivita, at mga Jebusita,+ na hindi kabilang sa bayang Israel,+ 21 ang mga inapo nila na naiwan sa lupain—ang mga hindi napuksa ng mga Israelita—ay ipinatawag ni Solomon para sa puwersahang pagtatrabaho bilang mga alipin, at ganito ang kalagayan nila hanggang ngayon.+ 22 Pero walang sinuman sa mga Israelita ang ginawang alipin ni Solomon,+ dahil sila ay kaniyang mga mandirigma, mga lingkod, matataas na opisyal, mga ayudante,* at mga pinuno ng mga tagapagpatakbo niya ng karwahe at ng mga mangangabayo. 23 May 550 pinuno ng mga kinatawang opisyal na namamahala sa gawain ni Solomon; sila ang namamahala sa mga trabahador.+
-