-
1 Hari 9:26-28Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
26 Gumawa rin si Haring Solomon ng mga barko sa Ezion-geber,+ na malapit sa Elot, sa baybayin ng Dagat na Pula sa lupain ng Edom.+ 27 Nagpadala si Hiram ng mga barko at ng sarili niyang mga tauhan,+ makaranasang mga marino, para maglingkod kasama ng mga tauhan ni Solomon. 28 Pumunta sila sa Opir+ at kumuha roon ng 420 talento ng ginto at dinala iyon kay Haring Solomon.
-