-
1 Hari 10:11, 12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Ang mga barko ni Hiram na nagdala ng ginto mula sa Opir+ ay nagdala rin mula sa Opir ng napakaraming kahoy na algum+ at ng mamahaling mga bato.+ 12 Ginamit ng hari ang mga kahoy na algum sa paggawa ng mga suporta para sa bahay ni Jehova at sa bahay* ng hari, pati sa paggawa ng mga alpa at mga instrumentong de-kuwerdas para sa mga mang-aawit.+ Wala nang ganoon karaming kahoy na algum na dinala o nakita sa Israel hanggang ngayon.
-