Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Hari 11:30, 31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 30 Hinubad ni Ahias ang bagong damit na suot niya at pinunit iyon sa 12 piraso. 31 Pagkatapos, sinabi niya kay Jeroboam:

      “Kumuha ka ng 10 piraso, dahil ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel, ‘Aalisin* ko ang kaharian sa kamay ni Solomon, at bibigyan kita ng 10 tribo.+

  • 1 Hari 14:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Kaya sinabi ni Jeroboam sa asawa niya: “Pakisuyo, magbalatkayo ka para walang makakilala sa iyo na asawa ka ni Jeroboam, at pumunta ka sa Shilo. Nandoon ang propetang si Ahias. Siya ang nagsabi noon na magiging hari ako ng bayang ito.+

  • 1 Hari 14:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Nang marinig ni Ahias ang mga yabag ng babae habang papasók ito, sinabi niya: “Pumasok ka, asawa ni Jeroboam. Bakit ka nagkukunwaring ibang tao? Inutusan akong sabihin sa iyo ang isang mabigat na mensahe.

  • 1 Hari 14:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Kaya magpapasapit ako ng kapahamakan sa sambahayan ni Jeroboam, at lilipulin ko ang lahat ng lalaki* sa angkan ni Jeroboam, pati na ang mga hamak at mahihina sa Israel, at wawalisin kong parang dumi ang sambahayan ni Jeroboam+ hanggang sa wala nang matira!

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share