-
1 Hari 12:16, 17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Nang makita ng buong Israel na ayaw silang pakinggan ng hari, sinabi nila sa hari: “Wala naman pala kaming kaugnayan kay David. Wala kaming mana sa anak ni Jesse. Bumalik kayo sa inyong mga diyos, O Israel. David, bahala ka na sa sambahayan mo!” At bumalik ang mga Israelita sa kani-kanilang bahay.*+ 17 Pero si Rehoboam ay patuloy na naghari sa mga Israelita na nakatira sa mga lunsod ng Juda.+
-