-
1 Hari 12:18, 19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
18 Pagkatapos, isinugo ni Haring Rehoboam si Adoram,+ na namamahala sa mga tinawag para sa puwersahang pagtatrabaho, pero pinagbabato ito ng buong Israel hanggang sa mamatay. Nakasampa si Haring Rehoboam sa karwahe niya at nakatakas papunta sa Jerusalem.+ 19 At hanggang ngayon, naghihimagsik ang mga Israelita+ laban sa sambahayan ni David.
-