-
1 Hari 12:31, 32Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
31 At sa matataas na lugar ay gumawa siya ng mga bahay para sa pagsamba at nag-atas ng mga saserdote mula sa sinuman sa bayan na hindi mga Levita.+ 32 Nagpasimula rin si Jeroboam ng isang kapistahan sa ika-15 araw ng ikawalong buwan, gaya ng kapistahan sa Juda.+ Sa altar na ginawa niya sa Bethel,+ naghandog siya sa mga guya na ginawa niya. Nag-atas din siya sa Bethel ng mga saserdote para sa matataas na lugar na ginawa niya.
-