Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 12:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Dalhin ninyo ang lahat ng ipinadadala ko sa inyo sa lugar na pinili ng Diyos ninyong si Jehova para sa kaluwalhatian ng pangalan niya+—ang inyong mga handog na sinusunog, hain, ikapu,+ abuloy, at bawat panatang handog ninyo kay Jehova.

  • 1 Cronica 22:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Pagkatapos, sinabi ni David: “Ito ang bahay ni Jehova na tunay na Diyos, at ito ay isang altar ng handog na sinusunog para sa Israel.”+

  • 2 Cronica 15:8, 9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Nang marinig ni Asa ang mga salitang ito at ang hula ng propetang si Oded, lumakas ang loob niya at inalis niya ang kasuklam-suklam na mga idolo mula sa buong lupain ng Juda+ at Benjamin at mula sa mga lunsod na sinakop niya sa mabundok na rehiyon ng Efraim, at inayos niya ang altar ni Jehova na nasa harap ng beranda ni Jehova.+ 9 At tinipon niya ang buong Juda at Benjamin at ang mga dayuhan mula sa Efraim at Manases at Simeon na naninirahang kasama nila,+ dahil napakarami nilang umalis sa Israel at kumampi sa kaniya nang makita nilang sumasakaniya ang Diyos niyang si Jehova.

  • 2 Cronica 30:10, 11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Kaya ang mga mensahero* ay nagpunta sa bawat lunsod sa buong lupain ng Efraim at Manases,+ maging hanggang sa Zebulon, pero pinagtatawanan sila at iniinsulto ng mga tao.+ 11 Pero may ilan mula sa Aser, Manases, at Zebulon na nagpakumbaba at pumunta sa Jerusalem.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share