11 Bukod diyan, nagkaroon si Uzias ng hukbong sinanay na mabuti sa digmaan. Nakikipagdigma sila nang pangkat-pangkat. Binilang sila at inirehistro+ ng kalihim+ na si Jeiel at ng opisyal na si Maaseias, sa ilalim ng pangangasiwa ni Hananias, na isa sa matataas na opisyal ng hari.
16 Pero nang makapangyarihan na siya, naging mapagmataas siya at ito ang nagpahamak sa kaniya. Hindi siya naging tapat sa Diyos niyang si Jehova nang pumasok siya sa templo ni Jehova para magsunog ng insenso sa altar ng insenso.+