-
Genesis 18:23-25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
23 Pagkatapos, lumapit si Abraham sa Diyos at nagsabi: “Talaga bang lilipulin mo ang mga matuwid kasama ng masasama?+ 24 Ipagpalagay nang may 50 matuwid sa lunsod. Lilipulin mo pa rin ba ang lunsod at hindi ito patatawarin alang-alang sa 50 matuwid na naroon? 25 Malayong mangyari na patayin mo ang matuwid kasama ng masama, sa gayon ay pareho ang magiging kahihinatnan ng matuwid at ng masama!+ Malayong mangyari na gawin mo iyan.+ Hindi ba gagawin ng Hukom ng buong lupa kung ano ang tama?”+
-
-
1 Hari 14:1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 Nang panahong iyon, nagkasakit si Abias na anak ni Jeroboam.
-
-
1 Hari 14:13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 Magdadalamhati sa kaniya ang buong Israel at ililibing siya; siya lang mula sa pamilya ni Jeroboam ang ililibing, dahil sa buong sambahayan ni Jeroboam, sa kaniya lang may nakitang mabuti si Jehova na Diyos ng Israel.
-
-
2 Cronica 19:2, 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Sinalubong siya ni Jehu+ na anak ni Hanani+ na nakakakita ng pangitain. Sinabi nito kay Haring Jehosapat: “Ang masama ba ang dapat mong tulungan,+ at ang mga napopoot ba kay Jehova ang dapat mong mahalin?+ Dahil sa ginawa mo, nagalit sa iyo si Jehova. 3 Pero may mabubuting bagay na nakita sa iyo,+ dahil inalis mo ang mga sagradong poste* sa lupain at inihanda mo ang puso mo para* hanapin ang tunay na Diyos.”+
-