Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Hari 18:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Nang ikatlong taon ng hari ng Israel na si Hosea+ na anak ni Elah, si Hezekias+ na anak ni Haring Ahaz+ ng Juda ay naging hari.

  • 2 Hari 18:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Nagtiwala siya kay Jehova+ na Diyos ng Israel; walang sinumang katulad niya sa lahat ng hari ng Juda na nauna sa kaniya o sumunod sa kaniya.

  • 1 Cronica 5:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 At tinulungan sila sa paglaban sa mga iyon, kaya ang mga Hagrita at ang lahat ng kasama ng mga ito ay naibigay sa kamay nila, dahil tumawag sila sa Diyos para tulungan sila sa digmaan, at sinagot niya ang pakiusap nila dahil nagtiwala sila sa kaniya.+

  • 2 Cronica 16:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Hindi ba ang mga Etiope at ang mga taga-Libya ay isang napakalaking hukbo na maraming karwahe at mangangabayo? Pero dahil umasa ka kay Jehova, ibinigay niya sila sa kamay mo.+

  • Awit 22:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 Sa iyo sila dumaing, at nakaligtas sila;

      Nagtiwala sila sa iyo, at hindi sila nabigo.*+

  • Awit 37:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 Ipagkatiwala* mo kay Jehova ang landasin mo;+

      Manalig ka sa kaniya, at siya ang kikilos para sa iyo.+

  • Nahum 1:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  7 Si Jehova ay mabuti,+ isang moog sa panahon ng pagdurusa.+

      Iniisip* niya ang mga nanganganlong sa kaniya.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share