Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Hari 22:24-28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Si Zedekias na anak ni Kenaana ay lumapit ngayon kay Micaias at sinampal niya ito at sinabi: “Saan dumaan ang espiritu ni Jehova mula sa akin para makipag-usap sa iyo?”+ 25 Sumagot si Micaias: “Malalaman mo kung saan kapag pumasok ka na sa kaloob-loobang silid para magtago.” 26 Pagkatapos, sinabi ng hari ng Israel: “Kunin mo si Micaias, at ibigay mo siya kay Amon na pinuno ng lunsod at kay Joas na anak ng hari. 27 Sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinabi ng hari: “Ikulong ninyo ang taong ito+ at bawasan ninyo ang suplay ng tinapay at tubig na ibibigay ninyo sa kaniya hanggang sa makabalik ako nang payapa.”’” 28 Pero sinabi ni Micaias: “Kung makabalik ka nang payapa, ibig sabihin ay hindi nakipag-usap sa akin si Jehova.”+ Sinabi pa niya: “Kayong lahat, tandaan ninyo ang sinabi ko.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share