Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Josue 20:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Sa rehiyon ng Jordan, sa silangan ng Jerico, pinili nila ang Bezer+ sa ilang na nasa talampas mula sa tribo ni Ruben, ang Ramot+ sa Gilead mula sa tribo ni Gad, at ang Golan+ sa Basan mula sa tribo ni Manases.+

  • 1 Hari 22:29-33
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 At ang hari ng Israel at si Jehosapat na hari ng Juda ay pumunta sa Ramot-gilead.+ 30 Sinabi ngayon ng hari ng Israel kay Jehosapat: “Magbabalatkayo ako at sasabak sa digmaan, pero isuot mo ang iyong damit na panghari.” Kaya nagbalatkayo ang hari ng Israel+ at sumabak sa digmaan. 31 Iniutos ngayon ng hari ng Sirya sa 32 pinuno ng mga karwahe niya:+ “Wala kayong ibang lalabanan, sundalo man o opisyal, kundi ang hari lang ng Israel.” 32 Nang makita ng mga pinuno ng mga karwahe si Jehosapat, naisip nila: “Siguradong iyon ang hari ng Israel.” Kaya hinabol nila siya; at humingi ng saklolo si Jehosapat. 33 Nang makita ng mga pinuno ng mga karwahe na hindi iyon ang hari ng Israel, agad silang tumigil sa paghabol sa kaniya.

  • 2 Cronica 18:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Kaya pagkaraan ng ilang taon, pumunta siya kay Ahab sa Samaria,+ at naghandog si Ahab ng maraming tupa at baka para sa kaniya at sa mga kasama niya. At hinikayat siya nito na makipaglaban sa Ramot-gilead.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share