-
1 Hari 8:33, 34Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
33 “Kapag natalo ng kaaway ang bayan mong Israel dahil patuloy silang nagkakasala sa iyo,+ at manumbalik sila sa iyo at luwalhatiin ang pangalan mo+ at manalangin at magsumamo sa iyo sa bahay na ito,+ 34 makinig ka nawa mula sa langit at patawarin mo ang kasalanan ng bayan mong Israel at ibalik sila sa lupaing ibinigay mo sa kanilang mga ninuno.+
-
-
2 Cronica 6:28-30Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
28 “Kung magkaroon ng taggutom sa lupain,+ o ng salot,+ pagkatuyot ng mga pananim, amag,+ napakaraming balang, o matatakaw na balang*+ o palibutan sila ng mga kaaway nila sa alinmang lunsod ng lupain*+ o magkaroon ng iba pang uri ng salot o sakit,+ 29 anumang panalangin,+ anumang hilingin+ ng sinumang tao o ng iyong buong bayang Israel (dahil alam ng bawat isa sa kanila ang sarili niyang salot at kirot)+ kapag iniunat nila ang kanilang mga kamay sa direksiyon ng bahay na ito,+ 30 makinig ka nawa mula sa langit, na iyong tirahan,+ at magpatawad ka;+ at ibigay mo sa bawat isa ang nararapat sa lahat ng ginagawa niya, dahil alam mo ang nasa puso niya (ikaw lang ang talagang nakaaalam kung ano ang nasa puso ng tao),+
-