-
2 Hari 9:27, 28Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
27 Nang makita ni Haring Ahazias+ ng Juda ang nangyayari, tumakas siya at dumaan sa isang malaking hardin.* (Nang maglaon, hinabol siya ni Jehu at sinabi: “Pabagsakin din siya!” At nasugatan nila siya habang nasa karwahe paakyat sa Gur, malapit sa Ibleam.+ Pero nagpatuloy pa siya sa pagtakas hanggang sa Megido, at doon siya namatay. 28 Pagkatapos, isinakay siya ng mga lingkod niya sa isang karwahe papuntang Jerusalem, at inilibing nila siya sa libingan niya kasama ng kaniyang mga ninuno sa Lunsod ni David.+
-