-
2 Hari 11:1-3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Nang malaman ni Athalia+ na ina ni Ahazias na namatay ang anak niya,+ pinatay niya ang lahat ng anak ng hari.*+ 2 Pero si Jehoas+ na anak ni Ahazias ay kinuha ni Jehosheba na anak ni Haring Jehoram at kapatid ni Ahazias at itinakas mula sa mga anak ng hari na papatayin. Itinago niya ang bata at ang yaya nito sa isang kuwarto. Naitago nila ito mula kay Athalia, kaya hindi ito napatay. 3 Kasama niya ito nang anim na taon at nakatago sa bahay ni Jehova, habang namamahala si Athalia sa lupain.
-