Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Hari 11:5-8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Inutusan niya sila: “Ganito ang gagawin ninyo: Ang sangkatlo sa inyo ay maglilingkod sa araw ng Sabbath at mahigpit na magbabantay sa bahay* ng hari,+ 6 ang isa namang sangkatlo ay sa Pintuang-Daan ng Pundasyon, at ang isa pang sangkatlo ay sa pintuang-daan sa likuran ng mga bantay ng palasyo. Magsasalitan kayo sa pagbabantay sa bahay. 7 Ang dalawang pangkat sa inyo na hindi nakatakdang magbantay kapag Sabbath ay mahigpit na magbabantay sa bahay ni Jehova para protektahan ang hari. 8 Papalibutan ninyo ang hari, hawak ang mga sandata ninyo. Sinumang papasok sa hanay ng mga sundalo ay papatayin. Sundan ninyo ang hari kahit saan siya magpunta.”*

  • 1 Cronica 9:22-25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Lahat ng napili bilang mga bantay ng pintuang-daan ay 212. Sila ay nasa kani-kanilang mga pamayanan ayon sa pagkakarehistro nila sa talaangkanan.+ Ipinagkatiwala sa kanila ni David at ng tagakitang* si Samuel+ ang katungkulang ito. 23 Sila at ang mga anak nila ang namamahala sa pagbabantay sa mga pintuang-daan ng bahay ni Jehova,+ ang bahay ng tolda. 24 Ang mga bantay ng pintuang-daan ay nasa apat na panig—sa silangan, sa kanluran, sa hilaga, at sa timog.+ 25 Sa pana-panahon, ang mga kapatid nila mula sa mga pamayanan ay dumarating para samahan sila sa paglilingkod sa loob ng pitong araw.

  • 1 Cronica 26:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 Ang mga pangkat ng mga bantay ng pintuang-daan+ ay ang mga sumusunod: sa mga Korahita, si Meselemias+ na anak ni Kore, na isa sa mga anak ni Asap.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share