-
2 Hari 12:4, 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Sinabi ni Jehoas sa mga saserdote: “Kunin ninyo ang lahat ng perang dinadala sa bahay ni Jehova bilang banal na handog,+ ang buwis na dapat bayaran ng bawat isa,+ ang perang ibinibigay ng mga nanata, at ang lahat ng perang dinadala ng bawat isa sa bahay ni Jehova nang bukal sa puso.+ 5 Kukunin iyon ng mga saserdote mula sa mga nag-aabuloy* at gagamitin sa pagkukumpuni sa bahay, saanman ito may sira.”*+
-
-
2 Cronica 34:9, 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Pinuntahan nila ang mataas na saserdoteng si Hilkias at ibinigay sa kaniya ang perang dinala sa bahay ng Diyos, na kinolekta ng mga Levita na nagbabantay sa pinto mula sa Manases, Efraim, at sa lahat ng iba pa sa Israel,+ pati sa Juda, Benjamin, at sa mga nakatira sa Jerusalem. 10 Pagkatapos, ibinigay nila ito sa mga inatasang mangasiwa sa gawain sa bahay ni Jehova. Ginamit naman ito ng mga manggagawa sa bahay ni Jehova para ayusin at kumpunihin ang bahay.
-