-
2 Hari 17:13, 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 Paulit-ulit na nagbabala si Jehova sa Israel at Juda sa pamamagitan ng lahat ng propeta at ng bawat lingkod niyang nakakakita ng pangitain:+ “Tigilan na ninyo ang masasamang ginagawa ninyo!+ Sundin ninyo ang mga utos at tuntunin ko, ang lahat ng kautusang ibinigay ko sa mga ninuno ninyo at ipinaabot ko sa inyo sa pamamagitan ng mga lingkod kong propeta.” 14 Pero hindi sila nakinig, at nanatiling matigas ang ulo nila* gaya ng mga ninuno nila na hindi nanampalataya kay Jehova na kanilang Diyos.+
-
-
2 Cronica 36:15, 16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 Patuloy silang binigyan ng babala ni Jehova na Diyos ng kanilang mga ninuno sa pamamagitan ng mga mensahero niya. Paulit-ulit niya silang binigyan ng babala, dahil naawa siya sa kaniyang bayan at sa kaniyang tahanan. 16 Pero palagi nilang iniinsulto ang mga mensahero ng tunay na Diyos,+ at hinamak nila ang mga salita niya+ at ang mga propeta niya,+ hanggang sa magliyab ang galit ni Jehova sa bayan niya,+ hanggang sa wala na silang pag-asang gumaling.
-
-
Jeremias 7:25, 26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
25 mula nang araw na lumabas ang mga ninuno ninyo sa lupain ng Ehipto hanggang sa araw na ito.+ Kaya patuloy kong isinusugo sa inyo ang lahat ng lingkod kong propeta, araw-araw, paulit-ulit.*+ 26 Pero ayaw nilang makinig sa akin, at hindi sila nagbigay-pansin.+ Sa halip, nagmatigas sila,* at ang mga ginawa nila ay mas masahol pa sa ginawa ng mga ninuno nila!
-